Thursday, December 17, 2009
Ang pagbabalik!
http://paopao165.blogspot.com
Wednesday, July 2, 2008
The Next Episode

This is what you called Soccer Manok not Sari Manok.
Sana makabalik na uli ako. Sana hindi siya magtampo o magtaka kung bakit hindi pa ako nabalik. Miss ko na siya sobra! Hehehe.
O panu hintayin nyo na lang ha. See yah! =P
Saturday, June 28, 2008
Swerte at Malas
Itong barkada ko ay OJT sa isang hospital na hindi ko naman inalam kung saan ito. Hindi po nursing ang course ng barakada kong ito at lalong lalo na walang kinalaman sa hospital ang course niya. Kahit nga ako nagtaka kung bakit ang OJT niya ay sa hospital samantalang ay course niya ay, BSIT. Ano ang BSIT? Sa mga hindi po nakakaalam ang BSIT ay Bachelor of Science in Information Technology. Siya ang nagaaral sa AMA Computer College. Kung iisipin nyo nga din naman bakit sa hospital ang OJT eh samantalang computer course siya. Tanong ko bakit sa hospital ang OJT niya? At ano naman ang kinalaman ng course siya sa hospital? Ang sagot niya sakin ay, sa IT daw siya ng hospital. Sa madaling salita, sa computer siya. Ah ewan ko din ba. Hehehe.
Naikwento lang niya sakin ito nung nakaraang thursday, june 26 thru yahoo messenger. Nagkataon kasi na may ipinadownload ako sa kanya na isang file at nagkakwentuhan kami ng kung anu anu at hanggang sa napunta na nga dun sa kanyang mis adventure sa kanyang OJT. Isasalaysay ko na lang sa inyo kung anu yung nakwento niya sakin para mas madaling niyong ma gets ang istorya.
Kahapon daw kasi nag OJT siya, that's wednesday june 25. So normally may iniutos sa kanya. Natural uutusan ka syempre. Kapag OJT ka utusan ka. Hehehe. Inutusan daw siya sa dalhin ang isang annoucenment sa computer lab sa building 6 4th floor. Sakay siya ng elevator kasi nasa basement siya. Eh ang top floor ng building 6 ay 4th floor, so pinindot niya yung 4 sa elevator tapos nagclose na yung pinto ng elevator. Makailang saglit ay tumunog na yung elevator. Bumukas ang pinto ng elevator at labas siya. Lakad naman si barkada ko at hinanap ang computer lab. Aba nakakapagtaka daw. Bakit walang computer lab dito? Nilibot niya uli yung floor na binabaan niya at wala talagang 4th floor. Pucha! Mukhang napunta sa ibang mundo ang barkada ko. Hehehe. Napasakay ata sa isang magic elevator patungo sa ibang mundo. Hahaha.
Ang ginawa daw niya ay bumalik siya sa elevator at minabuti na lang daw niya sa hagdan dumaan sa tabi ng elevator. Napansin niya na may paakyat pa. Anak ng tipaklong! Diba hanggang 4th floor lang etong building eh bakit may paakyat pa daw? Laking pagtataka naman etong si barkada ko. So ang ginawa niya ay umakyat din. Pagkaayat niya, napansin niya sa pinto na 3rd floor. Napa "HA?!" si barkada ko. Hehehe. Kahit hindi pa niya sinasabi sakin yung kasunod eh talagang natatawa na talaga ako. Hahaha! O balik na tayo. Ang sabi niya ay galing siya ng 4th floor eh bakit daw nasa 3rd floor siya? Napaisip. Nagtaka siya si barkada. Malamang naguluhan din yan. Hehehe. At sa mahabang pagiisip at pagtataka ay dun daw niya narealize na. "PUTIK! 2ND FLOOR PALA ANG BINABAAN KO SA ELEVETOR! AMF!" Hahahaha! Sensya na kayo sabi niya sakin dapat daw malalaki yang part ng sinabi niya eh. Hehehe.
Inisip ko na baka may topak yung elevator nila. Pero ang sabi niya sakin ay malamang daw na may pumindot ng 2nd floor sa labas at hindi niya napansin. Kaya ayun. 2nd floor ang binabaan niya na akala naman niya na 4th floor pala. Hehehe.
Ano ang moral lesson dito? Mag hagdan na lang kayo wag na mag elevator. Hehehe. =P
Master Siomai Part 2
Ok tama na ang kamalasan. Dito na tayo sa swerte. Hehehe. Dahil sobrang saya ko ngayon ay talaga nga namang ginanahan ako magsulat ngayon. Hehehe. Akala ko hindi na kami magkikita uli ni miss chinita eh. Akala ko wala na talaga. Yun pala ay may pag asa pa! There is HOPE! Hahaha! AMEN! Hahahaha! Teka sobra sobra na ata etong kasayahan kong ito. Hehehe.
So eto na. Malalaman nyo na kung ano ang nangyari. At eto na naman. Wala naman talaga akong kabalak balak pumunta ng SM kasi nga na naman pagod ako kahit hindi ako pumasok sa school ko at sa work ko din. Tinamaan ata ako ng lintek na katamaran. Hehehe. Nanunuod lang ako ng tv sa bahay ng biglang nag aya si mama ko na pumunta daw kami ng SM at may bibilhin daw siya. Aba. Gagastos na naman. Inisip ko na baka pwede na akong magpabili ng cellphone. Binanat ko naman kay mama ko na kung pwede ibili na niya ako ng fone. Pero hindi ko pa natatapos sabihin ay isang malakas na "HINDI!" ang nasalo ko mula sa bibig ng mama ko. Hehehe.
Akala ko naman sabay kami pupunta ng SM ng mother ko yun pala ay hindi kasi may dadaanan muna daw siya at mauna na lang daw ako. Syempre hingi ako ng pamasahe which is bente pesos lang ang binigay sakin. Kuripot nga naman talaga. Hehehe. Ng pasakay na ako sa jeep, napaisip ko na baka sakaling makita ko uli si miss chinita dun sa tindahan nila. Nabuhayan ako ng pagasa na baka nga andun siya. Ng makarating ako sa SM hindi agad ako dumiretso sa foodcourt kasi ang balak ko hihingi ako ng pambili ng siomai at gulaman kay mama para makita kung andun nga siya sa tindahan nila. So ang ginawa ko nag ikot ikot muna ako at iniwasan ko talaga ang foodcourt ng SM. Pero kahit anong gawin ko ay talagang hindi ko maiiwasan ang foodcourt ng SM sa may amin dahil sobrang liit talaga ng SM. Wala akong nagawa at napadaan din talaga ko sa foodcourt at laking tuwa ko sa nakita ko. Andun si miss chinita sa tindahan nila at nagiisa lang siya! OH MAY GAD! Biglang pumintig ng mabilis ang tibok ng puso ko. Tumigil ang oras ko. Inlab na ata ako sa kanya. Hahaha!
Takte! Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mga oras na yun. Hindi talaga ako mapakali. Tingin naman ako sa wallet ko kung may pera akong dala. Takte! Walang laman kundi limang piso! Shit! Malas! Ang tagal naman dumating ni mama ko para makahingi agad ako ng pambili ng siomai at gulaman. Waaaaa! Hindi ko talaga ako mapakali nung mga oras na yun. Hehehe. So ang ginawa ko muna ay pa kunwaring may hinahanap ako sa foodcourt, pero pasimpleng tingin ako sa kanya. Pero hindi niya ako napansin. Tantya ko nga naka limang ikot ako sa foodcourt eh para lang mapansin niya. Pero hindi pa din niya ako napansin. Hehehe.
Inip na inip na talaga ako ng mga oras na yun kasi sobrang tagal ni mama. Napansin ko naman na ang daming cute sa SM nun, pero inisnab ko lang kasi na kay miss chinita ang buong atensyon ko nung mga oras na yun. Hehehe. Kahit madaming cute at sexy na 36 26 36 ang numero sa katawan ay hindi ko talaga pinansin. Hehehe. Makalipas ang ilang oras. Tama kayo oras. Dahil oras ang naging pagiintay ko kay mama ko, na hindi ko naman alam kung bakit napakatagal.
Agad akong humingi ng pera kay mama para bumili ng siomai at gulaman. Eto namang si mama ko ay tinanong pa ako kung saan ko daw gagastusin ang perang hiningi ko sa kanya. Ang sinabi ko ay bibili lang ako ng siomai at gulaman. Pagkabigay ay naghiwalay na kami ni mama at hindi ko alam kung saan siya pumunta after niya maibigay yung pera. Pansin na pansin ko. Walang bumibili sa tindahan nila. At nagiisa pa din siya. Swerte! Pagkalapit ko nakita ko siya nakaupo at may binabasa. At eto na po ang usapan namin. Hehehe
Ako: Ummm.. Miss..?
Miss chinita: Ay! Hi sir! (sabay smile!)
Ako:(sa loob loob ko. Ang cute grabe.. Hehehe) Kamusta? Tanda mo pa ba ako?
Miss chinita: Ay oo naman nu. Hehe. Ikaw yung nagsabing matamis ang gulaman ko eh. (smile uli siya)
Ako: (smile din ako. Hehehe.) Buti naman. Hehehe.
Miss chinita: Bibili ka?
Ako: Ah oo. Bigyan mo uli ako ng siomai mo at ng matamis mong gulaman. Hehe.
Miss chinita: Ikaw talaga. Hehe.
Ako: Masarap kasi eh. Babalik balikan talaga. Hehe.
Miss chinita: Bolero ka pala eh.
Ako: Ay hindi ah. Totoo naman na masarap eh. Hehe. May boyfriend ka na ba?
Miss chinita: Wala po eh.
Ako: Wag mo ng lagyan ng po. Hehe.
Miss chinita: O cge. Wala eh.
Ako: Hehe. Bakit naman wala kang boyfriend?
Miss chinita: Ah. Basta. (smile uli) O sir eto na yung order mo.
Ako: Thanks ha. Bakit nga pala nagiisa ka?
Miss chinita: Nasa locker kasi yung kasama ko eh.
Ako: Ganun ba? Nung isang beses nagpunta uli ako dito wala ka. Bakit?
Miss chinita: Kelan yun?
Ako: Hindi ko na matandaan eh.
Miss chinita: Baka wala akong pasok nun. Bakit ka naman bumalik? Hehe.
Ako: Ah eh. Wala lang. Bibili sana ako eh.
Miss chinita: Eh bakit hindi ka bumili dun sa kasama ko?
Ako: Gusto ko sayo. Masarap kasi ang siomai mo at matamis ang gulaman mo eh.
Miss chinita: Bolero ka talaga. Hehe. (smile uli siya.)
Ako: (sa loob loob ko ay sobrang kinikilig ako. Hahaha!) Hindi ah totoo kaya.
Miss chinita: Kainin mo muna kaya yan nu.
Ako: Cge babalik ako. Hehe.
Haay. Grabe. Mukhang inlab nga ako sa kanya. Hehehe. Syempre humanap ako ng pwesto na malapit sa tindahan nila at yung nakikita siya. Habang nakain uli ako, ay nakatingin talaga ako sa kanya. Napansin naman niya na nakatingin ako sa kanya at nag smile naman siya sakin. Hay grabe. Smile lang niya natutunaw na ako. Hehehe. Hanggang sa naubos ko na yung siomai at yung gulaman, bigla namang dumating si mama ko at natapos na sa kanyang binili. Agad akong hinila pauwi. Syet! Hindi ko na naman natanong ang name niya. Pero ok na din naman sakin kasi natatandaan pa niya ako. Hehehe. Napansin niya na paalis na nga ako. Sumenyas na lang ako sa kanya na babalik uli ako at sabay kumaway ako. Ngumiti din naman siya at kumaway din. Grabe! Kinilig talaga ako! Hahahaha!
Sa susunod na balik ko talaga aalamin ko na ang pangalan niya. Pramis! At kailangan makabalik ako ASAP. Hehehe. Wait for me my labs! Hahaha!
Abangan niyo pa ang mga susunod. =P
Wednesday, June 25, 2008
Coming Soon....
Gusto ko nga pala uli magpasalamat sa mga nagbabasa sa blog ko at dun sa mga natatawa sa mga stories ko, kung natatawa nga kayo o nababaduyan sakin. Hehehe. I'm just being myself lang naman po. Hehehe. Salamat nga din pala dun sa nag comment dito sa blog na I think kilala ko siya. Hehehe.
Paki visit na din itong blog ng friend ko. Friend ko sa friendster. Hehehe. Hopefully sana maging friend and close friend na din. Hehehe. Demanding ba?
http://imboozprincess08.blogspot.com
See yah! =P
Saturday, June 21, 2008
Malas na Araw
Wala naman kasi akong planong pumunta ng SM dahil nga pagod ako sa school at sa work ko. Tska naulan. Masarap matulog. Kaso nga lang naisip ko baka masobrahan ako ng tulog at hindi na magising muli. At baka habang buhay na ako matutulog. Hehehe. Since gusto ko din naman ng bagong laro sa PSP ay wala na talaga akong nagawa at nagpunta na din ako ng SM.
Ng nasa jeep ako, naisip ko na pagkatapos kong magpalagay ng bagong games ay dadaan ako sa foodcourt para alamin na yung pangalan ni miss chinita dun sa master siomai. Kung inyo pong natatandaan. Siya yung babaeng sinabihan ko na, ang tamis ng gulaman niya kaya siguro sweet din siya. Hehehe. Medyo naexcite pa nga ako kasi malalaman ko na din ang pangalan niya. Hingin ko na din siguro ang cellphone number niya kahit wala naman akong cellphone. Hehehe. O kaya friendster niya. YM ID niya. Hehehe.
So dumating ako sa SM, nagpalagay ng bagong games at agad ako dumiretso sa foodcourt sa kabilang building. Dalawang building kasi ang SM samin eh. Building A at B. Ng nasa building A na ako diretso agad ako sa foodcourt. Napansin ko wala siya dun sa stall nila. Inisip ko na baka break time lang niya or nag cr lang. So lumapit pa din ako sa tindahan nila kahit wala siya. Kinausap ko na lang yung kasama niya upang tanungin siya. At eto ang maikling usapan.
Ako: Ummm.. Excuse me. Andyan pa yung isa mong kasama? Yung matangkad na medyo maputi at chinita?
Tindera: Ay sir wala po siya. Bakit po?
Ako: Ganun ba? Ah wala naman. Hehehe.
Tindera: Bakit sir type mo siya? Hehehe.
Ako: Ha? (napa "Ha" na lang ako. Hehehe.)
Tindera: Bibili kayo sir?
Ako: Ay hindi. Cge salamat na lang.
Pagkasabi ko ay umalis agad ako. Malas. Kung kelan bumalik ako at aalamin ang pangalan niya tska naman siya wala. Malas talaga. Takte! Mukhang kailangan kong araw arawin ang SM para makita uli si miss chinita. Hehehe.
Makalipas ang ilang saglit lang ay naisipan kong pumunta muna sa netopia para mag internet at mag friendster na din. Ng nasa escalator na ako naka tingin pa din ako sa stall nila at nagbabaka sakaling andun pala siya at sinabi lang ng kasama niya na wala siya. Pero, wala talaga. Ubod talaga ng kamalasan. Pero nabuhayan ako ng kaunti ng pumasok ako sa netopia.
Napansin ko may pila sa loob ng netopia. Kaya no choice, pila din ako. Napansin ko yung nasa counter ng netopia. Babae. Chikas. Hehehe. Malikot kasi ang mata ko at malakas ang radar sa mga chikas. Hehehe. Napansin ko na may pagka chinita. FYI po. Malaking asset kasi sakin ang babaeng chinita eh. Hehehe. Ewan ko ba kung bakit chinita ang gusto ko. Hehehe. Anyway, napansin ko din na naka headband siya na puti. Cute din. Hehehe. Ng nasa harap na ako ng counter at magpapa open na ako ng computer, eto po ang usapan. Papangalanan na lang natin siyang miss cute. Hehehe.
Miss cute: Hi sir!
Ako: Internet nga miss.
Miss cute: Open hour sir?
Ako: Yup.
Miss cute: Member po?
Ako: Nope.
Miss cute: Ano pong name nila?
Ako: Paolo
Miss cute: Sa number 69 na lang po sir. Sa loob po.
Ako: Thank you!
Aba 69. Baka mahilig si miss cute sa 69? Baka pwedeng masubukan ang 69 niya. Hehehe. Natural na naman sa netopia na tanungin ang pangalan mo tuwing gagamit ka ng computer nila eh. Siguro kaya inaalam nila ang name mo ay kapag nasira mo ang computer nila hindi sila mahihirapan sabihin sa pulis ang pangalan mo. Hehehe. Naisip ko lang naman. Hehehe. Gusto ko na nga din sana alamin ang pangalan niya. Tinignan ko kung may name plate siya katulad ng ibang crew. Pero wala siya. Baka bago lang siya. Pero siguro mamaya ko na lang aalamin name niya.
Pasok naman ako dun sa loob at hinahanap ang computer 69. Ang pagkakaalam ko ay wala namang computer 69 sa netopia na yun. Inisip ko naman na baka nagdagdag sila ng mga computers. Pero wala talagang computer 69. So balik ako sa counter para sabihin ito kay miss cute.
Ako: Ummm excuse me. Walang number 69.
Miss cute: Ay sorry sir. 49 po pala. Sorry talaga sir. (sorry na may smile)
Ako: Ok lng ok lang. (smile din. Nagpapacute pero hindi naman cute. Hehehe.)
Inisip ko na baka mahilig talaga si miss cute sa 69. Hehehe. Fast forward ko na para malaman nyo na agad ang sumunod.
Ng matapos na ako sa aking pag gamit ng computer agad akong bumalik sa counter para magpa sign out at para bayaran na din ang rent ko. Nasa counter ako at binayaran ko ang aking rent na nagkakahalagang 55 pesos. Ang tantya ko wala pa akong isang oras eh. Pero tignan nyo naman ang binayaran ko. 55 pesos. Mahal talaga sa netopia. Para din kasing starbucks yang netopia eh. Pwede ka namang magkape na mura lang. Pero nagpupunta ka pa din sa starbucks para masabing sosyal ka. So para masabing sosi ka, mag internet ay sa netopia ka pumunta. Hehehe. Pero nag starbucks din naman ako. Madalas pa. Hahaha!
Aalamin ko na ang pangalan niya ng biglang nag extra etong crew niya at may ipinagawa sa kanya. Takte! Malas na naman. Tatanungin ko na nga eh. Bigla namang umalis. Nakaka 2 points na ang malas sakin ah. Hindi na ako nagtagal sa SM dahil feeling ko minamalas talaga ako. Dumaan pa din ako sa foodcourt para tignan kung andun si miss chinita. Nagbabakasakali pa din. Pero, wala talaga eh. So, uwi na talaga ako.
Kamalasan Part 2
O eto na yung sinasabi kong tungkol sa pagkain na nangyari lang sakin nitong tuesday, june 17. Isa sa malas ko ding araw.
Nagpunta ako sa jollibee para bumili ng food na malapit lang naman sa bahay namin. Napansin ko na may pila. Hindi na sana ako tutuloy kasi nga may pila at medyo gutom na din ako. Pero hindi ko din natiis na hindi pumasok sa loob. Siguro nahatak ako sa ngiti ni jollibee. Very jolly eh. Hehehe.
Pagpasok ko sa loob pumila ako at may lumapit saking crew na kumukuha ng order.
Crew: Hi sir! Welcome po sa Jollibee! Ano pong order nyo?
Ako: Isang chicken steak, large coke at large fries. Take out. That's all.
Dineretso ko na agad kasi alam kong sasabihin ng crew na yun na baka gusto ko pang magdagdag ng order. Well pasensya siya. Wala ako sa mood na sumagot sa makukulit na tanong dahil medyo gutom na nga din ako. Ng nasa harap na ako ng counter, kinuha ng cahera yung order slip ko at nagsimula na naman ang kamalasan ko.
Cahera: Ay sir sorry po. Wala na pong chicken steak eh.
Ako: Ha? Eh bakit isinulat pa din ng crew nyo kung wala na palang chicken steak?
Cahera: Sorry po sir mukhang hindi po ata na inform eh. Pasensya na po.
Ako: Ganun ba? Ok lang. Sige bigyan mo na lang ako ng chicken strips.
Cahera: Sir wala na pong chicken strips. Phase out na po yun eh.
Ako: Wala din? Sige crispy chicken burger na lang.
Cahera: Sir.. Wala na din pong crispy chicken burger eh. Sorry po..
Ako: Ha?! Eh anong meron kayo?!(medyo tumaas ng kaunti ang boses ko)
Cahera: (hindi na nakasagot. natakot ata sakin)
Ako: Chicken joy na lang. Yung 2pcs.
Cahera: Sir maghihintay pa po kayo ng 15minutes. Ok lang po?
Ako: (gusto kong sabihin na hindi ok eh. pero mabait ako eh. hehe) Bigyan mo na lang ako ng B1. Shit!(pabulong lang.)
Grabe! Ayaw ata akong pakainin ng manok nung araw na yun. Takte naman! Dalawang malas araw na ito. Isang kamalasan nung june 17 tuesday. Sana pala hindi na lang ako nagpunta ng SM at hindi na ako minalas. Feeling ko malas ang SM eh. Baka may nagsumpa sa SM na lahat ng pupunta dun ay mamalasin. Anyway, ng nakuha ko na ang order ko hindi agad ako umalis at sinabi ko talaga eto sa cahera.
Ako: Sa susunod kung wala yung inoorder namin dyan sa menu nyo, alisin nyo. Hindi yung naka display dyan sa menu nyo pero wala naman pala kapag inorder.
O dba tama naman ako? Taray eh no? Karapatan kong sabihin yan sa kanya kahit maganda siya. Hehehe. Parang kanta ng Parokya ni Edgar na The Ordertaker. Merong mga menu pero wala namang maorder. Hahaha! Abangan nyo na lang uli ang susunod na episode. (bhelat!) =P
Thursday, June 19, 2008
The Next Episode
Basta salamat po talaga sa mga nagbabasa ng aking buhay buhay pangyayari, na talaga nga namang alang ka kwenta kwenta. Hehehe. SALAMAT!
Bibigyan ko na kayo ng hint kung anu ang susunod na episode. Nangyari lang sakin etong tuesday lang, june 17. Tungkol sa pagkain. Pagkain na naman po. Kaya siguro chubby ako kasi kakakain. Tska, fresh na fresh diba? Hindi ko nga lang agad sinulat at nilgay dito kasi tinamad ako kahapon. Malay nyo, bukas o sabado naka post na. Hehehe. Kaya hintay lang po tayo.
O sya! Kakain muna ako ng dinner.
Monday, June 16, 2008
The Commuter's Style

Labas na ang latest dito sa factory. Nakuha ko eto at nahalukay sa forums ng aming barkada. Kaya basahin nyo na lang ang baka may makuha kayong tips and tricks sa pag cocomute. Goodluck na lang sa inyo. Hehehe. =P
Nagkaroon kami ng diskusyunan ng mga barkada about sa style or tips kapag mag cocomute ka. Ika nga eh. The DO’s and DON’T’s while commuting. So unang bumato ng kanyang tips sa pag cocomute ang aking isang barkada.
DO’s
-Give seat’s to ladies / older people when there is no more seat’s available.
-Always say “excuse me” and “thank you.”
-Enter and Exit in an orderly manner
-Talk discreetly.
DON’T’s
-Never stare at a girls boobs or body. Or better dont stare at the girl.
-Do not ever show off you money while in transit.
Nagbigay din naman ng sariling tips nya etong bakada kong, talaga nga namang manyak. At eto ang sariling version ng ng DO’s and DON’T’s nya.
DO’s
DON’T”S
-Don’t wear a miniskirt kung ayaw mo ipakita.
-Don’t do a pose that may seduce other passengers or the driver. (sa babae lang to)
Sa sinabi nya eh, hindi na kami nagtaka. Isa talaga siyang certified manyakis. Hahaha! Pero isa lang ang sinabi kong tip sa kanila eh. Simple lang naman pero super effective. At eto ang sinabi ko. “Mga tol eto lang naman ang sakin eh. Simple pero super effective. Kung ayaw mo talaga madukutan ng pera eh. I-suksok mo sa bulsa ng brief mo. Or kung walang bulsa ang brief mo. Ilagay mo mismo sa loob ng brief mo. Kung babae ka naman eh. Syempre sa panty mo, pero wag naman dun sa anu dba?”
Hahaha! O dba? Simple lang pero super effective. Hahaha!