Sa wakas! Hehehe. Nagkita na kami ni miss chinita! Sa wakas! Hahaha! Sinuwerte din ako. Hahaha! Kaya eto, ginanahan tuloy akong mag post uli at ikwento ang nangyari. Fresh na fresh lang ito dahil kanina lang ito nangyari sakin. Kasi kakagaling lang namin ng mother ko sa SM para bumili ng kung anu mang binili ng mother ko. Pero bago ko muna sa inyo ikwento ang pagkikita uli namin ni miss chinita at adventures ko sa SM, ay ibabahagi ko muna sa inyo ang isang kamalasan ng barkada ko sa kanyang OJT.
Itong barkada ko ay OJT sa isang hospital na hindi ko naman inalam kung saan ito. Hindi po nursing ang course ng barakada kong ito at lalong lalo na walang kinalaman sa hospital ang course niya. Kahit nga ako nagtaka kung bakit ang OJT niya ay sa hospital samantalang ay course niya ay, BSIT. Ano ang BSIT? Sa mga hindi po nakakaalam ang BSIT ay Bachelor of Science in Information Technology. Siya ang nagaaral sa AMA Computer College. Kung iisipin nyo nga din naman bakit sa hospital ang OJT eh samantalang computer course siya. Tanong ko bakit sa hospital ang OJT niya? At ano naman ang kinalaman ng course siya sa hospital? Ang sagot niya sakin ay, sa IT daw siya ng hospital. Sa madaling salita, sa computer siya. Ah ewan ko din ba. Hehehe.
Naikwento lang niya sakin ito nung nakaraang thursday, june 26 thru yahoo messenger. Nagkataon kasi na may ipinadownload ako sa kanya na isang file at nagkakwentuhan kami ng kung anu anu at hanggang sa napunta na nga dun sa kanyang mis adventure sa kanyang OJT. Isasalaysay ko na lang sa inyo kung anu yung nakwento niya sakin para mas madaling niyong ma gets ang istorya.
Kahapon daw kasi nag OJT siya, that's wednesday june 25. So normally may iniutos sa kanya. Natural uutusan ka syempre. Kapag OJT ka utusan ka. Hehehe. Inutusan daw siya sa dalhin ang isang annoucenment sa computer lab sa building 6 4th floor. Sakay siya ng elevator kasi nasa basement siya. Eh ang top floor ng building 6 ay 4th floor, so pinindot niya yung 4 sa elevator tapos nagclose na yung pinto ng elevator. Makailang saglit ay tumunog na yung elevator. Bumukas ang pinto ng elevator at labas siya. Lakad naman si barkada ko at hinanap ang computer lab. Aba nakakapagtaka daw. Bakit walang computer lab dito? Nilibot niya uli yung floor na binabaan niya at wala talagang 4th floor. Pucha! Mukhang napunta sa ibang mundo ang barkada ko. Hehehe. Napasakay ata sa isang magic elevator patungo sa ibang mundo. Hahaha.
Ang ginawa daw niya ay bumalik siya sa elevator at minabuti na lang daw niya sa hagdan dumaan sa tabi ng elevator. Napansin niya na may paakyat pa. Anak ng tipaklong! Diba hanggang 4th floor lang etong building eh bakit may paakyat pa daw? Laking pagtataka naman etong si barkada ko. So ang ginawa niya ay umakyat din. Pagkaayat niya, napansin niya sa pinto na 3rd floor. Napa "HA?!" si barkada ko. Hehehe. Kahit hindi pa niya sinasabi sakin yung kasunod eh talagang natatawa na talaga ako. Hahaha! O balik na tayo. Ang sabi niya ay galing siya ng 4th floor eh bakit daw nasa 3rd floor siya? Napaisip. Nagtaka siya si barkada. Malamang naguluhan din yan. Hehehe. At sa mahabang pagiisip at pagtataka ay dun daw niya narealize na. "PUTIK! 2ND FLOOR PALA ANG BINABAAN KO SA ELEVETOR! AMF!" Hahahaha! Sensya na kayo sabi niya sakin dapat daw malalaki yang part ng sinabi niya eh. Hehehe.
Inisip ko na baka may topak yung elevator nila. Pero ang sabi niya sakin ay malamang daw na may pumindot ng 2nd floor sa labas at hindi niya napansin. Kaya ayun. 2nd floor ang binabaan niya na akala naman niya na 4th floor pala. Hehehe.
Ano ang moral lesson dito? Mag hagdan na lang kayo wag na mag elevator. Hehehe. =P
Master Siomai Part 2
Ok tama na ang kamalasan. Dito na tayo sa swerte. Hehehe. Dahil sobrang saya ko ngayon ay talaga nga namang ginanahan ako magsulat ngayon. Hehehe. Akala ko hindi na kami magkikita uli ni miss chinita eh. Akala ko wala na talaga. Yun pala ay may pag asa pa! There is HOPE! Hahaha! AMEN! Hahahaha! Teka sobra sobra na ata etong kasayahan kong ito. Hehehe.
So eto na. Malalaman nyo na kung ano ang nangyari. At eto na naman. Wala naman talaga akong kabalak balak pumunta ng SM kasi nga na naman pagod ako kahit hindi ako pumasok sa school ko at sa work ko din. Tinamaan ata ako ng lintek na katamaran. Hehehe. Nanunuod lang ako ng tv sa bahay ng biglang nag aya si mama ko na pumunta daw kami ng SM at may bibilhin daw siya. Aba. Gagastos na naman. Inisip ko na baka pwede na akong magpabili ng cellphone. Binanat ko naman kay mama ko na kung pwede ibili na niya ako ng fone. Pero hindi ko pa natatapos sabihin ay isang malakas na "HINDI!" ang nasalo ko mula sa bibig ng mama ko. Hehehe.
Akala ko naman sabay kami pupunta ng SM ng mother ko yun pala ay hindi kasi may dadaanan muna daw siya at mauna na lang daw ako. Syempre hingi ako ng pamasahe which is bente pesos lang ang binigay sakin. Kuripot nga naman talaga. Hehehe. Ng pasakay na ako sa jeep, napaisip ko na baka sakaling makita ko uli si miss chinita dun sa tindahan nila. Nabuhayan ako ng pagasa na baka nga andun siya. Ng makarating ako sa SM hindi agad ako dumiretso sa foodcourt kasi ang balak ko hihingi ako ng pambili ng siomai at gulaman kay mama para makita kung andun nga siya sa tindahan nila. So ang ginawa ko nag ikot ikot muna ako at iniwasan ko talaga ang foodcourt ng SM. Pero kahit anong gawin ko ay talagang hindi ko maiiwasan ang foodcourt ng SM sa may amin dahil sobrang liit talaga ng SM. Wala akong nagawa at napadaan din talaga ko sa foodcourt at laking tuwa ko sa nakita ko. Andun si miss chinita sa tindahan nila at nagiisa lang siya! OH MAY GAD! Biglang pumintig ng mabilis ang tibok ng puso ko. Tumigil ang oras ko. Inlab na ata ako sa kanya. Hahaha!
Takte! Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mga oras na yun. Hindi talaga ako mapakali. Tingin naman ako sa wallet ko kung may pera akong dala. Takte! Walang laman kundi limang piso! Shit! Malas! Ang tagal naman dumating ni mama ko para makahingi agad ako ng pambili ng siomai at gulaman. Waaaaa! Hindi ko talaga ako mapakali nung mga oras na yun. Hehehe. So ang ginawa ko muna ay pa kunwaring may hinahanap ako sa foodcourt, pero pasimpleng tingin ako sa kanya. Pero hindi niya ako napansin. Tantya ko nga naka limang ikot ako sa foodcourt eh para lang mapansin niya. Pero hindi pa din niya ako napansin. Hehehe.
Inip na inip na talaga ako ng mga oras na yun kasi sobrang tagal ni mama. Napansin ko naman na ang daming cute sa SM nun, pero inisnab ko lang kasi na kay miss chinita ang buong atensyon ko nung mga oras na yun. Hehehe. Kahit madaming cute at sexy na 36 26 36 ang numero sa katawan ay hindi ko talaga pinansin. Hehehe. Makalipas ang ilang oras. Tama kayo oras. Dahil oras ang naging pagiintay ko kay mama ko, na hindi ko naman alam kung bakit napakatagal.
Agad akong humingi ng pera kay mama para bumili ng siomai at gulaman. Eto namang si mama ko ay tinanong pa ako kung saan ko daw gagastusin ang perang hiningi ko sa kanya. Ang sinabi ko ay bibili lang ako ng siomai at gulaman. Pagkabigay ay naghiwalay na kami ni mama at hindi ko alam kung saan siya pumunta after niya maibigay yung pera. Pansin na pansin ko. Walang bumibili sa tindahan nila. At nagiisa pa din siya. Swerte! Pagkalapit ko nakita ko siya nakaupo at may binabasa. At eto na po ang usapan namin. Hehehe
Ako: Ummm.. Miss..?
Miss chinita: Ay! Hi sir! (sabay smile!)
Ako:(sa loob loob ko. Ang cute grabe.. Hehehe) Kamusta? Tanda mo pa ba ako?
Miss chinita: Ay oo naman nu. Hehe. Ikaw yung nagsabing matamis ang gulaman ko eh. (smile uli siya)
Ako: (smile din ako. Hehehe.) Buti naman. Hehehe.
Miss chinita: Bibili ka?
Ako: Ah oo. Bigyan mo uli ako ng siomai mo at ng matamis mong gulaman. Hehe.
Miss chinita: Ikaw talaga. Hehe.
Ako: Masarap kasi eh. Babalik balikan talaga. Hehe.
Miss chinita: Bolero ka pala eh.
Ako: Ay hindi ah. Totoo naman na masarap eh. Hehe. May boyfriend ka na ba?
Miss chinita: Wala po eh.
Ako: Wag mo ng lagyan ng po. Hehe.
Miss chinita: O cge. Wala eh.
Ako: Hehe. Bakit naman wala kang boyfriend?
Miss chinita: Ah. Basta. (smile uli) O sir eto na yung order mo.
Ako: Thanks ha. Bakit nga pala nagiisa ka?
Miss chinita: Nasa locker kasi yung kasama ko eh.
Ako: Ganun ba? Nung isang beses nagpunta uli ako dito wala ka. Bakit?
Miss chinita: Kelan yun?
Ako: Hindi ko na matandaan eh.
Miss chinita: Baka wala akong pasok nun. Bakit ka naman bumalik? Hehe.
Ako: Ah eh. Wala lang. Bibili sana ako eh.
Miss chinita: Eh bakit hindi ka bumili dun sa kasama ko?
Ako: Gusto ko sayo. Masarap kasi ang siomai mo at matamis ang gulaman mo eh.
Miss chinita: Bolero ka talaga. Hehe. (smile uli siya.)
Ako: (sa loob loob ko ay sobrang kinikilig ako. Hahaha!) Hindi ah totoo kaya.
Miss chinita: Kainin mo muna kaya yan nu.
Ako: Cge babalik ako. Hehe.
Haay. Grabe. Mukhang inlab nga ako sa kanya. Hehehe. Syempre humanap ako ng pwesto na malapit sa tindahan nila at yung nakikita siya. Habang nakain uli ako, ay nakatingin talaga ako sa kanya. Napansin naman niya na nakatingin ako sa kanya at nag smile naman siya sakin. Hay grabe. Smile lang niya natutunaw na ako. Hehehe. Hanggang sa naubos ko na yung siomai at yung gulaman, bigla namang dumating si mama ko at natapos na sa kanyang binili. Agad akong hinila pauwi. Syet! Hindi ko na naman natanong ang name niya. Pero ok na din naman sakin kasi natatandaan pa niya ako. Hehehe. Napansin niya na paalis na nga ako. Sumenyas na lang ako sa kanya na babalik uli ako at sabay kumaway ako. Ngumiti din naman siya at kumaway din. Grabe! Kinilig talaga ako! Hahahaha!
Sa susunod na balik ko talaga aalamin ko na ang pangalan niya. Pramis! At kailangan makabalik ako ASAP. Hehehe. Wait for me my labs! Hahaha!
Abangan niyo pa ang mga susunod. =P
Saturday, June 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
wow nice nmn ng stories ^_^
teka kilala ko yang ojt na yan aa :D
Post a Comment