Wednesday, June 11, 2008

Eksenang MRT

Madalas kasi nagpupunta ako sa MegaMall para lang maglaro sa timezone at sa world’s of fun ng aking paboritong arcade games. Ewan ko ba kung bakit dun ako lagi napapapunta kapag gusto kong mag mall at maglaro ng aking paboritong arcade games. Kung tutuosin napakalayo. Paranaque to Mandaluyong. Hassle pa, pagod ka pa. Lalo na kapag may pera ako. Nako! Gusting gusto kong gumala. Tska hindi lang naman arcade ang sadya ko sa megamall eh. Naghahanap din kasi ako ng mga sexy at magagandang babae. Hehehe. Kadalasan kasi sa mga malalaki at bigating malls ka makakakita ng mga sexy at magagandang babae. Kaso. Kadalasan naman kasi eh wala akong pera kaya hanggang SM City Sucat lang ako, na isang sakay lang ng jeep mula sa bahay namin.

Nung minsan na pauwi na ako galing megamall, eh hindi sinasadyang sa rush hour pa ako napauwi. Expect mo ng siksikan, mas matindi pa sa sardines dahil hindi ka na makakahinga sa sobrang siksikan. Kapag makikita mo naman ang mga taong nasa loob ng cab eh, talaga nga namang maaawa ka sa kanila. At para bang ayaw mo ng sumakay sa loob dahil unang una. Sobrang siksikan. Pangalawa. Iba’t ibang amoy na hindi mo talaga minsan matiis. Naranasan ko yan ng may nakatabi akong isang lalaki na naka formal pa, pero ang amoy. Ay grabe! Para akong hinagisan ng sinupot na utot at sumabog sa mukha ko sa lakas ng amoy nya. Pero since na mabait talaga ako eh. Tiniis ko na lang. Hehehe.

Pero may isang karanasan talaga ako na hindi ko malilimutan sa MRT. Eto nung napauwi na naman ako ng rush hour galing megamall. Since gusting gusto ko na din talaga makauwi ay tiniis ko na kahit siksikan. Nung una medyo nabadtrip ako habang papasok ng MRT kasi may tumulak sakin, sobra na kasi sikip. Babae pala, chuby pero cute! So ok lang sakin. Hahaha. Nung una nasa likod ko sya, since wala ako mahawakan dahil nasa gitna ako, nung nag brake, na pasandal ako sa kanya. Nag sorry ako pasimpleng pagpapapansin sa kanya. Para pa ngang gusto kong kindatan eh. Kaso baka isiping manyak ako. Hahaha. Nung part na ng buendia station, may mga bumaba, so lumuwag konti. Dun na ako pumwesto sa may pole sa may likod katabi ng door. Dun na kasi ako humawak para di ma off balance. Tapos nung bandang ayala station na, bababa na sya. Nagulat ako biglang "kiniskis" nya yung boobs nya dun sa kamay ko na nakahawak sa pole! shet!. Nagulat ako eh. Para akong nadaanan ng kaluluwa sa nangyari eh. Simula nun eh parang trip ko ng sumakay ng MRT kapag siksikan. Hahaha!

No comments: