
Ako nga pala si Juan Paolo Corvera. College student. Ang tawag sakin ng mga barkada ko ay pao, papao at siopao. Bakit pao? Obvious naman po di ba? Paolo for short kaya naging pao. Bakit naman papao? Ewan ko din eh. Bigla na lang akong tinawag na ganyan. Well para malaman nyo na din. Papao is for the term Papa Paolo. Papao. Papabalbe daw ako. Bagay maging tatay. Hahaha! Takte sila! Bakit naman siopao? Simple lang naman po. simula pagkabata ko ay mahilig na ako sa siopao talaga. At ang sabi pa ng nanay ko ay ipinaglihi daw nya ako sa siopao. Kaya pala parang siopao ang pisnge ko. Ang aking edad ay sikreto po. Bakit? Basta sikreto. Hehehe. November 16 ang aking beerday, este, birthday po. Hindi ko na sasabihin kung anung year ako ipinanganak kasi baka malaman nyo pa ang edad ko. Sinikreto ko nga eh tapos sasabihin ko kung anung taon ako ipinanganak. Anu kayo swerte? Hehehe.
Sa unang tingin eh suplado ako tignan. Kaya binansagan akong Mr. Suplado nga mga nakikilala kong babae. Siguro kung may contest ng pasupladuhan, panigurado akong panalo. Hehehe. Ganun lang po talaga ako. Tahimik kasi akong tao eh. Sabi nga ng isa kong barkada I’m the man of a few words. Hindi mo makikitang magsalita hanggat hindi mo kinakausap. Aba natural! Alangan namang magsalita ako dyan magisa eh d nagmukha naman akong baliw nun. Hehehe. Tahimik lang talaga ako. Pero kapaga ang kasama ko ay magulo at maingay, maingay at magulo din ako. Kapag ang kasama ko naman ay tahimik, ay tahimik din ako. Iisnabin pa kita. Isnaban pa tau. Hehehe. Mabait naman ako eh(hehehe, binuhat ang sariling upuan eh). Madaming nagsasabi na mabait ako. Totoo na mabait talaga ako. Pero mabait lang ako sa taong mabait. Hehehe.
Ang aking zodiac sign a scorpio. Sa totoo lang eh, hindi ako naniniwala sa zodiac sign. Bakit? Hindi naman kasi kapanipaniwala yung mga nasasabi dun eh. Tska hindi ako umaasa sa mga horoscope dahil iisa lang ang may hawak ng kapalaran natin at yun at si GOD. O tama naman ako di ba? Amen? Hehehe. Nag research din ako tungkol sa zodiac sign na scorpio. At sa mga nabasa ko eh, isa lang ang aking pinaniwalaan dun. Yun eh; matalas daw ang memorya ng isang scorpio. Totoo yan! Kaya nga eto ako at sinusulat at ibinabahagi ko sa inyo ang buhay ko at mga nangyari sa aking buhay. Lahat lahat ng mga natatandaan ko sa aking napakatalinong utak. Hehehe.
Bakit nga ba napunta tayo sa zodiac sign? Anyway back to business. Kung pag-uusapan ang buhay love life eh, naging masaya naman ang aking buhay pag-ibig. Hindi sa nag mamayabang ako. Eh naka 14 na po akong gf. Tama kayo ng pagkakabasa. 14 po. Hindi ako nagkamali ng aking type, pero sa maniwala kayo sa hindi eh. Yun talaga ang totoo. Hehehe. Pero biruin nyo sa mukha kong eto eh naka 14 akong gf. Madami din namang nagsasabi na gwapo daw ako; “daw”, ewan ko ba. Baka pinalalakas lang nila ang loob ko o binobola lang nila ako. Hindi ko naman sila binayaran at lalong hindi ko naman sila nilibre sa karate kid para bolahin nila ako ng ganun. Speaking of karate kid. Hilig ko talagang kumain sa mga Japanese restaurants, yan ang isang dahilan kung bakit madalas akong maubusan ng pera. Hehehe. Pero minsan napapansin ko din na gwapo nga ako. Hahaha! Tama na baka lumaki pa ang ulo ko.
Sa naging 14 kong gf eh, dalawa lang talaga ang aking sineryoso dun. Yun ay si jhoann at si dhez. Silang dalawa talaga ang nakapagpabago sakin. Nakapagpatino sakin. At sa kanila ko din nabuo ang mga pangarap ko sa buhay. Hehehe sobrang drama na. Yung natirang 12 eh. Wala lang. Hehehe. Basta ikukwento ko din ang aking love story sa mga darating na araw kaya stay tunned na lang ok?
Hindi ako normal na lalaki. Pero hindi po ako abnormal o may sakit na kung anu. Ang ibig kong sabihin eh. Kahit nakakahiyang sabihin eh, sasabihin ko na din. Hindi ako marunong mag basketball at hindi ko hilig ang basketball. Ewan ko ba. Kahit nga simpleng dribol eh traveling pa ang aabutin ko. Pero nung nasa elementarya pa ako kasali ako sa basketball tuwing intrams. Center pa nga ako eh. Ang paborito ko lang naman gawin dun eh ang supalpalin ang tira ng kalakaban, kaya kadalasan goal tending eh. Hehehe. Pero marunong akong mag shoot syempre. Pero sa ibang bagay , expert ako sa dribol sabay shoot. Hahaha! Ang hilig ko talaga eh kotse. Kulang na nga lang eh pakasalan ko na ang mga kotseng natitipuhan ko eh. Sabi nga ng nanay ko mukha na daw akong kotse. Hehehe. Hilig ko din ang mag karting. Isa din po yan sa dahilan kung bakit nauubos din ang aking pera. Hehehe. Pangarap ko din na makapasok sa mundo ng formula one racing or F1 at maging champion. Hindi naman masama mangarap di ba? Tska libre lang naman ang mangarap eh. Kung nagkataon na may bayad ang mangarap; ay naku, ang dami ng mahihirap sa mundo. Hehehe.
Hilig ko din ang music at makinig ng music. Sa totoo lang eh, isa akong trying hard na KANTATERO. Ng minsan na nasabi ko eto sa isang kong barkada eh, pinayuhan ako na ilublob ko daw ang katawan ko sa isang dram ng tubig at kumanta daw ako. Sarah Geronimo style daw. Sabi ko naman ayoko dahil baka maisipan kong mag suicide. Hehehe. Tska maganda naman ang boses ko eh. Maganda kapag nasa banyo ako. Kaya nga lagi akong nasisigawan ng aking nanay kapag nasa banyo ako eh. Kasi nasa banyo na daw ako sumasablay pa daw ang boses ko. Yan ang nanay ko, concerned talaga sakin. Hehehe.
Tama na ang introduction at alam kong pagod na kaung basahin eto. Kaya eto, share ko muna sa inyo ang isang pangyayari sakin nung nakaraang bwan lang. Yun ay ang Eksenang MRT.
No comments:
Post a Comment