Saturday, June 21, 2008

Malas na Araw

Eto na ang inaabangan nyong next episode. Ginanahan na ako ikwento at hindi na ako tinamaan ng katamaran ko na naman. Bakit ang title ay "Malas na Araw"? Basahin nyo na lang para malaman nyo. May isisingit muna akong maikling kwento na nangyari lang sakin kanina lang, ng nagpunta sa SM para magpalagay ng bagong PSP games.

Wala naman kasi akong planong pumunta ng SM dahil nga pagod ako sa school at sa work ko. Tska naulan. Masarap matulog. Kaso nga lang naisip ko baka masobrahan ako ng tulog at hindi na magising muli. At baka habang buhay na ako matutulog. Hehehe. Since gusto ko din naman ng bagong laro sa PSP ay wala na talaga akong nagawa at nagpunta na din ako ng SM.

Ng nasa jeep ako, naisip ko na pagkatapos kong magpalagay ng bagong games ay dadaan ako sa foodcourt para alamin na yung pangalan ni miss chinita dun sa master siomai. Kung inyo pong natatandaan. Siya yung babaeng sinabihan ko na, ang tamis ng gulaman niya kaya siguro sweet din siya. Hehehe. Medyo naexcite pa nga ako kasi malalaman ko na din ang pangalan niya. Hingin ko na din siguro ang cellphone number niya kahit wala naman akong cellphone. Hehehe. O kaya friendster niya. YM ID niya. Hehehe.

So dumating ako sa SM, nagpalagay ng bagong games at agad ako dumiretso sa foodcourt sa kabilang building. Dalawang building kasi ang SM samin eh. Building A at B. Ng nasa building A na ako diretso agad ako sa foodcourt. Napansin ko wala siya dun sa stall nila. Inisip ko na baka break time lang niya or nag cr lang. So lumapit pa din ako sa tindahan nila kahit wala siya. Kinausap ko na lang yung kasama niya upang tanungin siya. At eto ang maikling usapan.

Ako: Ummm.. Excuse me. Andyan pa yung isa mong kasama? Yung matangkad na medyo maputi at chinita?
Tindera: Ay sir wala po siya. Bakit po?
Ako: Ganun ba? Ah wala naman. Hehehe.
Tindera: Bakit sir type mo siya? Hehehe.
Ako: Ha? (napa "Ha" na lang ako. Hehehe.)
Tindera: Bibili kayo sir?
Ako: Ay hindi. Cge salamat na lang.

Pagkasabi ko ay umalis agad ako. Malas. Kung kelan bumalik ako at aalamin ang pangalan niya tska naman siya wala. Malas talaga. Takte! Mukhang kailangan kong araw arawin ang SM para makita uli si miss chinita. Hehehe.

Makalipas ang ilang saglit lang ay naisipan kong pumunta muna sa netopia para mag internet at mag friendster na din. Ng nasa escalator na ako naka tingin pa din ako sa stall nila at nagbabaka sakaling andun pala siya at sinabi lang ng kasama niya na wala siya. Pero, wala talaga. Ubod talaga ng kamalasan. Pero nabuhayan ako ng kaunti ng pumasok ako sa netopia.

Napansin ko may pila sa loob ng netopia. Kaya no choice, pila din ako. Napansin ko yung nasa counter ng netopia. Babae. Chikas. Hehehe. Malikot kasi ang mata ko at malakas ang radar sa mga chikas. Hehehe. Napansin ko na may pagka chinita. FYI po. Malaking asset kasi sakin ang babaeng chinita eh. Hehehe. Ewan ko ba kung bakit chinita ang gusto ko. Hehehe. Anyway, napansin ko din na naka headband siya na puti. Cute din. Hehehe. Ng nasa harap na ako ng counter at magpapa open na ako ng computer, eto po ang usapan. Papangalanan na lang natin siyang miss cute. Hehehe.

Miss cute: Hi sir!
Ako: Internet nga miss.
Miss cute: Open hour sir?
Ako: Yup.
Miss cute: Member po?
Ako: Nope.
Miss cute: Ano pong name nila?
Ako: Paolo
Miss cute: Sa number 69 na lang po sir. Sa loob po.
Ako: Thank you!

Aba 69. Baka mahilig si miss cute sa 69? Baka pwedeng masubukan ang 69 niya. Hehehe. Natural na naman sa netopia na tanungin ang pangalan mo tuwing gagamit ka ng computer nila eh. Siguro kaya inaalam nila ang name mo ay kapag nasira mo ang computer nila hindi sila mahihirapan sabihin sa pulis ang pangalan mo. Hehehe. Naisip ko lang naman. Hehehe. Gusto ko na nga din sana alamin ang pangalan niya. Tinignan ko kung may name plate siya katulad ng ibang crew. Pero wala siya. Baka bago lang siya. Pero siguro mamaya ko na lang aalamin name niya.

Pasok naman ako dun sa loob at hinahanap ang computer 69. Ang pagkakaalam ko ay wala namang computer 69 sa netopia na yun. Inisip ko naman na baka nagdagdag sila ng mga computers. Pero wala talagang computer 69. So balik ako sa counter para sabihin ito kay miss cute.

Ako: Ummm excuse me. Walang number 69.
Miss cute: Ay sorry sir. 49 po pala. Sorry talaga sir. (sorry na may smile)
Ako: Ok lng ok lang. (smile din. Nagpapacute pero hindi naman cute. Hehehe.)

Inisip ko na baka mahilig talaga si miss cute sa 69. Hehehe. Fast forward ko na para malaman nyo na agad ang sumunod.

Ng matapos na ako sa aking pag gamit ng computer agad akong bumalik sa counter para magpa sign out at para bayaran na din ang rent ko. Nasa counter ako at binayaran ko ang aking rent na nagkakahalagang 55 pesos. Ang tantya ko wala pa akong isang oras eh. Pero tignan nyo naman ang binayaran ko. 55 pesos. Mahal talaga sa netopia. Para din kasing starbucks yang netopia eh. Pwede ka namang magkape na mura lang. Pero nagpupunta ka pa din sa starbucks para masabing sosyal ka. So para masabing sosi ka, mag internet ay sa netopia ka pumunta. Hehehe. Pero nag starbucks din naman ako. Madalas pa. Hahaha!

Aalamin ko na ang pangalan niya ng biglang nag extra etong crew niya at may ipinagawa sa kanya. Takte! Malas na naman. Tatanungin ko na nga eh. Bigla namang umalis. Nakaka 2 points na ang malas sakin ah. Hindi na ako nagtagal sa SM dahil feeling ko minamalas talaga ako. Dumaan pa din ako sa foodcourt para tignan kung andun si miss chinita. Nagbabakasakali pa din. Pero, wala talaga eh. So, uwi na talaga ako.



Kamalasan Part 2

O eto na yung sinasabi kong tungkol sa pagkain na nangyari lang sakin nitong tuesday, june 17. Isa sa malas ko ding araw.

Nagpunta ako sa jollibee para bumili ng food na malapit lang naman sa bahay namin. Napansin ko na may pila. Hindi na sana ako tutuloy kasi nga may pila at medyo gutom na din ako. Pero hindi ko din natiis na hindi pumasok sa loob. Siguro nahatak ako sa ngiti ni jollibee. Very jolly eh. Hehehe.

Pagpasok ko sa loob pumila ako at may lumapit saking crew na kumukuha ng order.

Crew: Hi sir! Welcome po sa Jollibee! Ano pong order nyo?
Ako: Isang chicken steak, large coke at large fries. Take out. That's all.

Dineretso ko na agad kasi alam kong sasabihin ng crew na yun na baka gusto ko pang magdagdag ng order. Well pasensya siya. Wala ako sa mood na sumagot sa makukulit na tanong dahil medyo gutom na nga din ako. Ng nasa harap na ako ng counter, kinuha ng cahera yung order slip ko at nagsimula na naman ang kamalasan ko.

Cahera: Ay sir sorry po. Wala na pong chicken steak eh.
Ako: Ha? Eh bakit isinulat pa din ng crew nyo kung wala na palang chicken steak?
Cahera: Sorry po sir mukhang hindi po ata na inform eh. Pasensya na po.
Ako: Ganun ba? Ok lang. Sige bigyan mo na lang ako ng chicken strips.
Cahera: Sir wala na pong chicken strips. Phase out na po yun eh.
Ako: Wala din? Sige crispy chicken burger na lang.
Cahera: Sir.. Wala na din pong crispy chicken burger eh. Sorry po..
Ako: Ha?! Eh anong meron kayo?!(medyo tumaas ng kaunti ang boses ko)
Cahera: (hindi na nakasagot. natakot ata sakin)
Ako: Chicken joy na lang. Yung 2pcs.
Cahera: Sir maghihintay pa po kayo ng 15minutes. Ok lang po?
Ako: (gusto kong sabihin na hindi ok eh. pero mabait ako eh. hehe) Bigyan mo na lang ako ng B1. Shit!(pabulong lang.)

Grabe! Ayaw ata akong pakainin ng manok nung araw na yun. Takte naman! Dalawang malas araw na ito. Isang kamalasan nung june 17 tuesday. Sana pala hindi na lang ako nagpunta ng SM at hindi na ako minalas. Feeling ko malas ang SM eh. Baka may nagsumpa sa SM na lahat ng pupunta dun ay mamalasin. Anyway, ng nakuha ko na ang order ko hindi agad ako umalis at sinabi ko talaga eto sa cahera.

Ako: Sa susunod kung wala yung inoorder namin dyan sa menu nyo, alisin nyo. Hindi yung naka display dyan sa menu nyo pero wala naman pala kapag inorder.

O dba tama naman ako? Taray eh no? Karapatan kong sabihin yan sa kanya kahit maganda siya. Hehehe. Parang kanta ng Parokya ni Edgar na The Ordertaker. Merong mga menu pero wala namang maorder. Hahaha! Abangan nyo na lang uli ang susunod na episode. (bhelat!) =P

2 comments:

Anonymous said...

dapat di mo sinabihan ung kahera... its not her fault na wala silang order... and dapat cool ka lang... alam kong gutom ka nung oras na yun pero dapat di ka nagalit... dahil lalo lang sasama loob mo nyan... and sasama din loob ng kahera... dapat ngumiti ka na lang and umupo... or kumuha ng tubig para uminom... [magandang pang palipas gutom ang tubig]

cool ka lang and sana wag mo pagalitan ung crew... tao rin sila noh... and kasi naman super busy sila... pano nila matatangal ung karatula sa taas... buti na lang kung may matangkad silang crew...

un lang... wag ka sana magalit sa aking comment... its plain rude un... babae pa naman...

- karl

Paolo said...

ganun tlaga ako karl eh.. hindi ko na tlaga natiis eh.. hehe..

i'm just being real lng naman.. hehehe..

^^,

-paolo