Friday, June 13, 2008

Master Siomai



O eto na yung inaabangan nyong kasunod. Enjoy eating! Abangan nyo uli yung susunod.

Etong nakaraang linggo lang ay galing akong SM City Sucat para bumili ng bagong headset para sa PSP ko. Panu ba naman nasira ko ito sa sobrang likot ko matulog. Kadalasan kasi bago ako matulog ay nakikinig muna ako ng music sa aking PSP para ma relax relax naman. Speaking of relaxing. Ngayong medyo mainit ang panahon ay masarap kumain ng halo halo o icecream, kasi nga naman sa sobrang init ng panahon ay talagang mapapakain ka ng icecream o halo halo. Nung isang araw bumili ako ng corneto sa 7-11 na malapit samin. Pagkakuha ko ng corneto, napansin ko may kasabayan akong isang babae na kumukuha din ng icecream. Since ay kailangan mong tumuwad, teka parang ang sagwa eh. Ulitin ko in a nice and decent way. Ok eto na. Since ay kailangan mong tumango para kumuha ng icecream sa ref ay napansin ko agad yung boobs ng babaeng nasa harap ko. Takte! Hindi man lang nya magawang takpan yun at talagang ipinapakita pa talaga niya sakin. Yan tuloy. Hindi ko maiwasang hindi tignan. Ampute ba naman eh! Napatagal tuloy ako sa pagkuha ng corneto. Hanggang sa nakuha nung babae yung dapat nyang kunin na icecream ay nakatingin pa din ako sa kanya at sa kanyang magandang hinaharap. Umiral na naman ang itinatago kong lihim sa aking buhay. Ang pagiging manyak minsan. Hahahaha!

Ok balik tau sa siomai. Kasi nung nagpunta ako sa SM ay napadaan ako sa food court para lang uminom ng tubig sa drinking fountain nila. Kesa naman bumili pa ako ng softdrinks or mineral water, nagtitipid kasi ako at may pinagiipunan din. Anu yung pinagiipunan ko at bakit ako nagtitipid? Sikreto muna. Malalaman nyo sa mga susunod na storya. Pero hulaan nyo na din at kapag sa tingin nyo ay tama ang hula nyo. Sabihin nyo sakin at bibigyan ko kayo ng libro ni Jay Panti, yung The Kikiam Experience at The Panti Chronicles. Sure yan!

Pagkatapos kong uminom sa drinking fountain, napansin ko na may bagong maliit na stall sa food court ng SM. Lumapit ako para makita ko kung anu yung bagong stall. Pagkakita ko, "Master Siomai" lang pala. Aalis na sana ako ng napansin ko yung isang tindera nila. Matangkad, medyo maputi, chinita at higit sa lahat CUTE! Hahaha!

Aalis na nga sana ako ng mapansin ko siya. Wala sa budget ko ang pagbili ng anu mang pagkain sa SM kasi nga nagtitipid ako. Takte! Napabili tuloy ako dahil dun sa cute at chinitang tindera nila. Sakto nag cr yung isa nyang kasama at sya ang naiwan. Sakto pa at walang customer at ako lang sa mga oras na yon. At para malaman nyo kung anu ang sumunod na nangyari. Eto ang naging usapan.

Ako: Miss, magkano ang siomai mo?
Miss chinita: 25 pesos lang po sir. Bili na kayo sir. Masarap po eto.
Ako: Hindi nga? 25 lang ang siomai mo? Baka naman hindi yan masarap ha?
Miss chinita: Opo sir 25 lang po at sure po na masarap to. Babalik at babalik kayo sir. (sabay smile.)

Ayan! Lalo syang naging cute dahil sa smile nya. Takte! Napabili na talaga ako. Eto ang mga sumusunod.

Ako: O cge. bigyan mo ako ng isang beef siomai at samahan mo na din ng gulaman.

Wala talaga akong nagawa at bumili na talaga ako. Nauna nyang ibinigay sakin ang beef siomai. Tapos kumuha sya ng cup para dun ilagay ang gulaman na inorder ko din. Habang nilalagyan nya ng gulaman yung cup, ay talaga nga namang nakatingin lang ako sa kanya. Grabe ang cute talaga eh. Hehehe.

Ng nakumpleto na ang order ko umupo naghanap ako ng table na malapit sa stall nila para habang nakain ako ng inorder kong siomai, ay nakikita ko siya. Napapasarap ako ng kain ng inorder kong siomai habang naka tingin sa kanya. Ng mga oras na yun kung anu anu ang sumasagi sa isipan ko. Umiiral na naman ang aking pagka isip manyak. Hehehe. Napansin ko na totoo ang sabi ni miss chinita. Masarap nga ang siomai niya. At mukhang babalik at babalik talaga ako. Hehehe. Ng natapos na ako sa siomai niya, ininom ko agad yung gulaman. Napansin ko na medyo matamis ang gulaman niya. Napaisip tuloy ako. So, tumayo na ako at muling lumapit sa tindahan nila. Nung mga oras na yun nakabalik na yung kasama nyang tindera. Lapit ako at eto ang sinabi ko kay miss chinita bago ako tuluyang umalis.

Miss chinita: O sir! Isa pa pong order? Sabi sa inyo masarap eh. Tignan nyo bumalik kayo.
Ako: Oo nga eh. Masarap nga ang siomai mo. Hehehe.
Miss chinita: Eh d bibili pa kayo sir?
Ako: Hindi na. May gusto lang akong sabihin. Ang tamis ng gulaman mo. Siguro sweet ka nu? Pwede ka bang maging girlfriend?

Hahahaha! pagkasambit ko nyan, sabay alis ako. Narinig ko na nag "uuy" yung kasama nya. Lumingon ako uli para tignan siya. At napansin ko, ngumiti siya sakin. Hehehe. Mukhang may dahilan na naman para kumain ako ng siomai kahit mahal. Sa susunod na balik ko aalamin ko na ang pangalan niya at cell number niya. Hehehe.

1 comment:

Anonymous said...

ang corneto mo naman kuya???? dami talaga simpleng manyak.... hahahhh
mukhang ibang shomai naman kasi iniisip mo kay ate....